edensZtersZ.Com

edensZtersZ.Com
garden meiden

Friday, March 26, 2010

Ang totoong lalake




Para sa unang post ko, nais kong isulat ang karanasan ng isang lalaking sobrang malapit sa akin. Itago na lang natin siya sa pangalang bogbog. Isa siyang lalaki na hindi masyadong panget pero hindi din masyadong gwapo kung baga sa juice na iniinom ko kanina, tama lang ang timpla ng appeal niya. Isang araw nakasalubong ko sya sa kanto ng legarda going LRT station sa Manila. Pauwi na sana ko noon ng bigla siyang magyaya ng kwentuhan. Napag isip isip ko maaga pa naman at tinatamad pa kong umuwi kaya sumama na din ako. Tumambay kami sa tapat ng main gate ng school at nagsimulang galugarin ang mundo kung saan may napakalawak na kwento. Wala daw siyang magawa kaya naisipan niyang magpalipas ng oras kasama ako at ako naman nagdesisyon din na magsayang ng oras kasama siya.

Bumili muna siya ng paborito naming spaghetti na may kasamang softdrinks, nakakatuwa nalibre na naman ako sa di inaasahang pagkakataon, na sa kabutihang palad, ang nananahimik na bente pesos ko ay pangmatagalang mananahimik sa aking bulsa. Marami kaming napag usapan kahit wala pang isang oras na nakatambay kami habang kumakain. Kwento siya ng kwento tungkol sa mga nakaraan niya hanggang sa napag usapan namin ang tungkol sa ex girl friend nya. Noong una puro siya balik tanaw sa mga masasaya at malulungkot na takbo ng dati nilang naging relasyon hanggang sa ........ hulaan niyo kung saan na napunta ang kwento.

Napunta ito sa kwentong sobrang personal naman para mapakinggan ko pa. Isang hapon daw, hinatid daw ni bogbog ang ex girl friend niya sa bahay nito. Once a week lang niya gawin yon at sa araw pa na walang ibang tao sa bahay ng babae kundi silang dalawa lang. Naalala ko pa ang salaysay niya na habang nakaupo daw siya sa upuan at nanonood ng TV napalingon daw siya sa syota niya na nagwawalis pagkatapos nilang magmeryenda. Kitang kita daw niya na habang nakayukong naglilinis ng naiwang kalat ang kawawang babaeng ito ay tambad na tambad daw ang napakalaki nitong hinaharap. Nanlaki daw ang mga mata niya sa libog (yan ang term) at di daw niya malaman ang gagawin, tumatayo na daw ang mga balahibo niya at syempre ang kanyang toooot.

Pagkatapos magwalis, ang biktima ng malaswang damdamin ng nagkukwentong suspect ay tumabi ito sa kasintahan. Damang dama pa din daw niya ang nakakadiring damdaming kumakalat sa kanyang katawan at lalo pang nadadagdagan iyon. Niyakap siya ng babae, dumikit sa katawan niya ang napakalaki daw na dibdib ng babae, lalo siyang nabaliw at nanigas. Gusto daw niyang may mangyari kaso lang hindi daw niya alam kong paano sasabihin. Conservative daw kuno si babae at first timer naman daw kuno si lalake kaya walang kahit pakiramdamang nangyari sa pareho nilang gustong kasunod na mangyari.

Kaya ang resulta, hanggang imagination o day dreaming na lang daw siya at malimit niyang gawin yon bago matulog, vinivisualise niya bawat tagpo,kilos,aksyon, at kung anu ano pa. Nightly routine daw niya, pampaantok daw parang sleeping pills na sobra sa bisa. Nakakainis, hindi na ko natutuwa sa mga sumunod na kwento, napaisip na lang ako, ang tunay na mga lalake pala ay talagang may libog sa katawan. Pero sa kabilang banda, napag isip isip ko, tao lang siya nakakaramdam din ng panggabing pangagailangan. Kaya tayong mga babae, huwag masyadong madikit sa mga lalaing yan! at ingatan natin ang ating pagkababae.

No comments:

Post a Comment